Zombadings (Patayin sa Shokot si Remington)

Kanina pinanood ko to kahit na ako lang mag-isa kasi sabik na sabik na akong malaman yung kwento dahil dun sa mga naririnig ko eh na maganda nga daw talaga ang takbo ng movie. Una pa lang natatawa na agad ako hindi pa nagpapatawa eh kasi dahil sa itsura ng mga lumabas doon. Walang nakakatakot sa movie kundi puno ng tawa ito, walang halo kaba puro lang saya. Ganyan naramdaman ko habang pinapanood ko siya. Sa totoo lang isa malaking katok sa isip ng mga taong mapang husga sa kasarian ng isang tao ang palabas na to alam mo kung bakit? Ahem! Ahem! bwe-bwelo lang ako. 

Alam naman nating ang pagiging bakla,shokla,juding,merlat,mujer,bading,gay at kung ano ano pang term eh kabalikat na nito ang matukso at maliitin dahil sa pagiging totoo sa sarili nila. Hindi nga naman talaga lahat ay mapipilit mong gustuhin kung sino at ano ka nga naman di ba? Pero ang pag bigay ng konting respeto sa kung ano ang napili nila para sa sarili nila at dahil dun sila nagiging masaya ay hindi pa nila kayang ibigay? Aba eh, Ilabas na din natin ang isyu sa kasarian kapag tayo ay nagtatrabaho dahil hindi ito basehan sa kung ano ang kayang gawin ng isang tao, kaya naman siguro talagang kasundo ng mga bakla ang mga babae dahil sa mga pareho nilang nararanasan, mga pang-aalipusta at pang mamaliit.

Sa totoo lang hindi ko na kailangang mag bigay ng pangalan para dito dahil alam naman nating madami sa mga bakla ang magaling sa kahit anong paraan. Negosyo man o sa kahit ano pa yan, hindi ba’t totoo? Dala nila ay saya sa kahit saan sila pumunta at makikita mo ang pag pupursigi nila para sa buhay nila at para sa kanilang pamilya.

Being gay is not a choice or you choose to be one… siguro ganyan ka lang talaga, embrace it and love yourself…Don’t hide Face it! 

  1. sstupid-lovee reblogged this from amazingblair
  2. jpgolucky said: Gusto ko rin manuod niyan. Maganda daw eh haha
  3. amazingblair posted this